Skip to main content

Posts

IV-Orion Swimming Reunion

May 20, 2012. Sunday. Ewan ko ba kung sino ang nagplanong mag night swimming kaming mga magkaka-klase ng IV-Orion (Si Prince yata? :D ), pero grabe, sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na ito. Tanghali pa lang, excited na akong magswimming, kaya naman nagkita-kita kami ng iba kong kaibigan sa 7-Eleven sa may Mindanao Ave. para pumunta sa bahay nila Mark (the usual meeting place hehe). Tapos, yun pala, sobrang aga namin dahil maya-maya pa daw dadating ung iba! Pero kahit ganon, ok lang maghantay dahil nga EXCITED kaming mag night swimming.
Recent posts

La Union Escapade

Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING! Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

Convergys - My First Job Experience

April 13. Isang magandang araw. Ni hindi ko inasahan na mangyayari ito. Ang matanggap ako sa trabaho! Biglaan ang lahat, kasi, pagpunta ko sa office nila sa Eastwood, isang araw lang ang processing at ayun! TANGGAP NA AKO! Di ko talaga inaasahan na matatanggap ako dito sa Convergys. Kasi, parang naglalaro lang ako sa Jobstreet. Pasa ng resume dito, pasa ng resume doon. Pero hindi ko talaga inaasahan na matatanggap ako sa kumpanyang ito - bilang isang customer service representative. Nagdalawang isip pa nga ako kung pipirma ako ng kontrata o huwag na, kaya bumalik ako kinabukasan at doon, pinirmahan ko na yung kontrata.

When the Chinese invaded my Homeland

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon... Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.

Huling Patutunguhan Shooting

Monday ng gabi, November 28, 2011... Excited kong hinanda yung mga props namin... Mula doon sa dugo, mga blade, kuryente, greenscreen, pagkain, at kung anu-ano pang kailangan namin para doon sa shooting. Excited ako kasi first time na may kaklase akong pupunta sa bayan namin sa Pulilan! (Take note, sobrang hirap pakiusapan ng mga tita ko na ipahiram sa akin yung susi ng bahay kaya maituturing na mission accomplished to!)

Ozine Fest 2010

April 9, 2010 Birthday ng kapatid ko - at ang araw na napagplanuhan namin ng mga kaibigan ko na pumunta sa Ozine Fest. Bale ganto ang nangyari today... nagkita kami sa Trinoma bandang 10:00 AM, at nabwisit nga ako eh, kasi ako yung pinaka late!!! Bwahaha... Ayun, so pumunta na kami ng MRT station at ang dami naming napapansin kay Mark na katawa tawa (Nga pala, ako, si Aaron, Rikki at Mark ang kasama ko). Ayun, mabilis naman kaming nakarating sa SM Megamall dahil ang bilis ng train. Nagmamadali pa kami nila Rikki dahil sa early bird promo, pero, ang pila pagdating namin - BLOCKBUSTER! Ang haba ng pila sobra, pero ayos lang kasi kulitan kaming apat. Lahat nalang eh napapansin namin. :) (ultimo yung maliliit na detalye sa mga costume ng mga cosplayer eh napapansin namin.)