Skip to main content

La Union Escapade


Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING!

Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

Habang kami ay nasa NLEX, 3 aksidente ang nakita namin, na naging sanhi ng mini traffic jam, at ng malampasan namin iyon ay isa namang toll gate traffic jam ang hinarap namin sa Dau. And then, nagpatuloy na kami sa SCTEX. Ang boring dito, dahil puro talahib na tuyo lang ang nakita ko, pero ok lang dahil excited na naman ako na makapunta sa La Union, kasi, first time. Actually, first time ko nga rin sa Tarlac at Pangasinan, kaya sige lang.

Pagkatapos ng 3 oras, narating na rin namin sa wakas ang Tarlac City. Stop over muna syempre, pero hindi na ako bumaba sa kotse. Naglaro nalang ako ng iPad. Nagpatuloy kami sa byahe, at this time, swabe na ang byahe dahil madami na akong nakikitang views at sceneries. Ang haba haba ng Tarlac, at kinailangan naming dumaan sa mga bayan ng San Manuel, Gerona, Moncada, Paniqui at kung anu-ano pang bayan. At kung nakita nyo lang sana ang reaksyon namin ng marating naming ang arko ng Pangasinan - EPIC! Sobrang saya. 3 provinces down, one to go. Ang Pangasinan, ganoon lang din ang itsura, parang Bulacan, Pampanga at Tarlac din.  Mahaba din ito, kaya naman isang oras yata kaming nagdrive dito, mula Rosales hanggang sa border na bayan ng Sison.

Nadaan kami ngayon sa isang lahat na ilog na may mahabang tulay, at sa dulo nito ay nakita na namin ang arko ng La Union. Pero hindi pa dito nagtatapos ang byahe dahil ilang bayan na nito ang dadaaanan namin para makapunta sa San Juan - Rosario, Sto. Tomas, Aringay, Agoo, Caba, Bauang at San Fernando. Pero in fairness sa San Fernando, mukha talaga syang city, at hindi parang kunwaring city lang. Ang tinitingnan ko kasi sa isang city ay yung infrastructure nito lalo na ang mga skyscraper. Hinanap ko din yung Thunderbird resort pero di ko naman nakita.

Sa wakas! After travelling for 6 and a half hours, narating din namin ang Sebay Beach Resort sa San Juan, La Union. Tabi-tabi yung mga surfing beach resort dito at masasabi mo naman talagang maganda ang lugar. White sand, clear watered beaches at yung paradise ambience, isama pa ang konting bilang ng mga tao. Syempre, gutom na kami, kaya naman kumain muna kami sa restaurant nung hotel na tutulugan namin. Grabe yung pagkain, ang tagal dumating. Siguro isang oras bago dumating.

Tapos after naming kumain, eto na! SWIMMING TIME NA!!! Syempre ang una kong ginawa ay gumawa ako ng mga sand castle sa seashore, pero sad to say, giniba ng mga alon yung mga fortress na ginawa ko! Pero grabe talaga doon ah, ang sarap sa katawan ng mga alon kasi, palaki sila ng palaki overtime! Tapos, si PM naman, ginawan ko ng sand sculpture, at syempre, nagbabad kami sa buhangin, hanggang sa may nakita kaming nagpaparasailing sa langit. ASTIG! Napapa-ilag pa nga ako kapag yung nagpaparasailing eh lumalapit sa amin kasi baka kako kumalas yung elisi. Nyahaha!


Sobrang enjoy ang magswimming dito sa mga dagat ng La Union, pero syempre, habang gumagabi na, unti-unti na ding umaalis yung mga tao, at yung alon ay unti-unti na ding tumataas. Umahon na sila ate, pero ako, nagdecide na magstay pa dahil talagang feel na feel ko yung hampas ng alon sa dalampasigan. Nag eemote nanaman ako sa tabing dagat. Inaamoy ko ang simoy ng hangin sa tabing dagat... Pero syempre gutom na ako kaya dapat nang umahon. Nagdesisyon akong pumunta sa hanggang baywang na taas ng dagat para magbanlaw ng biglang --- KZZZT!!! Humapdi ng husto ang balat ko. Akala ko, nasunburn ako bigla. Kaya naman, nagmadali akong bumalik sa dalampasigan.


Mahapdi, masakit, parang nasusunog at makati - iyan ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Nalilito ako kung ano ba ang nangyari sa akin, hanggang sa tinanong ko si ate - at iyon pala, nakagat ako ng JELLYFISH! Binuhusan ko ng suka yung kagat sa akin, at saka nagshower na ako. Bumili din sila ate ng gamot dahil nakagat din ang isa pa naming kasamahan.


Dinner time na, at masarap na beefsteak ang ulam sa restaurant. Nagkwentuhan din kami tungkol sa mga nakagat ng jellyfish, at doon ko lang din nalaman na hindi lang pala kami ang mga biktima ng mga pesteng dikya na ito. Marami pa pala, at talaga palang madami yung mga jellyfish sa area na iyon. Grabe, parang naging kagat higad yung kagat sa akin - nagpantal, namula at nagsugat. At dahil din doon, natrauma na akong bumalik sa dagat kinabukasan. :)



 Me,  Kaeden, and PM

 Giant waves are coming!


 Mini tsunami


 Kayak


 Jellyfish bite


 Rock pools


Clear waters 


Sea Weeds

Comments

Popular posts from this blog

IV-Orion Swimming Reunion

May 20, 2012. Sunday. Ewan ko ba kung sino ang nagplanong mag night swimming kaming mga magkaka-klase ng IV-Orion (Si Prince yata? :D ), pero grabe, sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na ito. Tanghali pa lang, excited na akong magswimming, kaya naman nagkita-kita kami ng iba kong kaibigan sa 7-Eleven sa may Mindanao Ave. para pumunta sa bahay nila Mark (the usual meeting place hehe). Tapos, yun pala, sobrang aga namin dahil maya-maya pa daw dadating ung iba! Pero kahit ganon, ok lang maghantay dahil nga EXCITED kaming mag night swimming.

Convergys - My First Job Experience

April 13. Isang magandang araw. Ni hindi ko inasahan na mangyayari ito. Ang matanggap ako sa trabaho! Biglaan ang lahat, kasi, pagpunta ko sa office nila sa Eastwood, isang araw lang ang processing at ayun! TANGGAP NA AKO! Di ko talaga inaasahan na matatanggap ako dito sa Convergys. Kasi, parang naglalaro lang ako sa Jobstreet. Pasa ng resume dito, pasa ng resume doon. Pero hindi ko talaga inaasahan na matatanggap ako sa kumpanyang ito - bilang isang customer service representative. Nagdalawang isip pa nga ako kung pipirma ako ng kontrata o huwag na, kaya bumalik ako kinabukasan at doon, pinirmahan ko na yung kontrata.