Skip to main content

IV-Orion Swimming Reunion

May 20, 2012. Sunday. Ewan ko ba kung sino ang nagplanong mag night swimming kaming mga magkaka-klase ng IV-Orion (Si Prince yata? :D ), pero grabe, sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na ito.

Tanghali pa lang, excited na akong magswimming, kaya naman nagkita-kita kami ng iba kong kaibigan sa 7-Eleven sa may Mindanao Ave. para pumunta sa bahay nila Mark (the usual meeting place hehe). Tapos, yun pala, sobrang aga namin dahil maya-maya pa daw dadating ung iba!

Pero kahit ganon, ok lang maghantay dahil nga EXCITED kaming mag night swimming.

Hapon na, at kumpleto na ang mga mag na-night swimming, pero kulang pa yung mga dala naming pagkain, kaya naisipan namin nila Mark at Jerome na dumayo sa Tandang Sora para bumili ng palabok at barbecue, at nang makuha na namin yung mga pagkain ay bumalik na kami sa bahay nila Mark, at 2 taxi ang sinakyan namin papunta sa Winston St. sa may Fairview, dahil yung pagsuswimmingan namin ay isang private na bahay na pwedeng rentahan.

Gabi na noon, mga alas-7, at nang makarating kami sa lugar na pagsuswimmingan namin ay para bang ang bigat ng pakiramdam ko sa lugar. Makulimlim, pero ang sinag ng buwan ay tanaw pa din mula sa aming kinatatayuan - sa harap mismo ng gate ng bahay. Tapos, may pabugso-bugsong kidlat pa, kaya naman bagay na bagay sa isang horror movie ang estado namin ngayon. Habang hinahantay namin sila Mark, Prince, Mikko, Jerome, Aaron, Jake at Excel, kinuwentuhan ko muna ng nakakatakot sila Rhea, Ange, Anne at Therese.

Matapos ang ilang sandali, lumabas mula sa madilim na bahagi ng bahay yung caretaker, at inimbita kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakakakilabot ang itsura ng lugar, sapagkat aakalain mong may mga matang nakatitig sa inyo. Pinapasok kami nung caretaker sa parang lounge or lobby ng bahay, kung saan isang matandang piano ang nasa sulok. Umupo muna kami sa loob ng sleeping area, at nagsabi ng kanya-kanyang palagay o opinyon tungkol sa lugar na iyon.

Ilang saglit pa'y dumating na sila Prince, at nagsimula na kaming magswimming. Ang lamig ng gabi na iyon, at idagdag mo pa ang nakakatakot na aura. May napansin akong treehouse sa labas, at tila ba'y may isang nilalang na nakatitig sa amin. Sinabi ko ito sa aking mga kaibigan, at sinang-ayunan nila ang sinabi ko na para ngang may mga nakatitig sa amin. Bakas sa mukha nila (lalo na si Rhea :D ) ang kaunting takot.

Tapos, nang lumingon ako sa loob ng bahay na walang tao, parang may tumakbong figure na hindi mo malaman kung ano - kulay itim ito. Tapos, dun sa may kubo, sa tabi nun, may parang engkanto din na nakatayo - at ang mga mata'y nanlilisik, ngunit siya'y nakatago sa dilim, kaya't hindi ko din maaninag ang itsura nito.

Habang patuloy ang ilan sa pagsuswimming, at ang iba naman ay kumakain na, nagtungo ako sa banyo. Paglabas ko ng banyo, halos atakihin na ako sa puso, kasi naman, etong si Jake, tumayo sa harap ko tapos nakadilat yung mata - hindi pa siya nanggulat nun - pero napasigaw ako sa takot. Parang nawala yung memorya ko na si Jake pala yun, kasi naman, ang likot ng aking imahinasyon. Akala ko'y isa itong multo. Hahaha

Matapos ang ilang oras na takutan at pagsuswimming, nagpasya na kaming matulog. Nakakapagod ang gabing iyon, pero napakasaya naman. At kinabukasan, nagpasya na kaming umuwi ng maaga... Dahil baka pagsapit ng gabi, ay maging ulam na kami ng caretaker na cannibal.

Comments

Popular posts from this blog

Huling Patutunguhan Shooting

Monday ng gabi, November 28, 2011... Excited kong hinanda yung mga props namin... Mula doon sa dugo, mga blade, kuryente, greenscreen, pagkain, at kung anu-ano pang kailangan namin para doon sa shooting. Excited ako kasi first time na may kaklase akong pupunta sa bayan namin sa Pulilan! (Take note, sobrang hirap pakiusapan ng mga tita ko na ipahiram sa akin yung susi ng bahay kaya maituturing na mission accomplished to!)

La Union Escapade

Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING! Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

When the Chinese invaded my Homeland

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon... Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.