Skip to main content

Ozine Fest 2010

April 9, 2010
Birthday ng kapatid ko - at ang araw na napagplanuhan namin ng mga kaibigan ko na pumunta sa Ozine Fest.

Bale ganto ang nangyari today... nagkita kami sa Trinoma bandang 10:00 AM, at nabwisit nga ako eh, kasi ako yung pinaka late!!! Bwahaha... Ayun, so pumunta na kami ng MRT station at ang dami naming napapansin kay Mark na katawa tawa (Nga pala, ako, si Aaron, Rikki at Mark ang kasama ko). Ayun, mabilis naman kaming nakarating sa SM Megamall dahil ang bilis ng train. Nagmamadali pa kami nila Rikki dahil sa early bird promo, pero, ang pila pagdating namin - BLOCKBUSTER! Ang haba ng pila sobra, pero ayos lang kasi kulitan kaming apat. Lahat nalang eh napapansin namin. :) (ultimo yung maliliit na detalye sa mga costume ng mga cosplayer eh napapansin namin.)


At heto na, nakakuha na kami ng ticket at nakapasok na kami sa Megatrade Hall 2! Wala pa namang masyadong tao nung mga oras na yon (kasi 11 am palang) so ang ginawa namin eh picture picture at libot lang. Eto, nakasalubong namin yung sa Silent Hill (diamond head ba yung name nun?) at nakapagpapicture kami! Pero, grabeng hirap ang inabot namin dun. kinailangan pa namin syang kornerin para makapag papicture lang. At ayun, tingin tingin kami ng mga anime merchandise sa loob at nung nagutom na kami eh nagpasya na kaming mag Mcdo... Yummy Chicken Fillet ang kinain ko dun (at ang sabi ni Mark eh "BONELESS CHICKEN or CHICKEN BONELESS" daw ang name nung food na yun :D)...

Lunch is over!!! We went back to the Ozine Fest and tried our luck sa mga contest. Kinapalan namin ni Rikki ang mga mukha namin at sumali kami sa Anime Trivia contest :) Ang HIRAP ng mga tanong grabe... Buti andun si Rikki... ang dami daming tanong at halos 3 lang yata ang nasagot ko (nagalit nga si Aaron at Mark kasi di namin nasagot yung about sa Vongola Family eh) so iyon, sa huli eh pang 4th naman kami... at least di kami yung nasa last place nuh...

Tapos nagpapicture kami kay Ichigo, si Aaron nagpapicture kay Naruto, tapos picture din kami kay Maka, and so much more. Tapos naisip naman namin na manood pa ng ibang contest like eating contest, battle of the bands, karaoke, dance contest and so much more. Tapos, namili si Aaron ng mga pins and badges... ako naman, nagtry sa Matsuri... naglaro ako ng darts at sana magtatry ako sa fish catching kaso ang hirap baka malugi ako so stop na... tapos sumali din kami sa drawing contest as a group, at bumili kami ng colored pencil (courtesy of Aaron)
Dito ko din nalaman na ang floor level na UG ay "UNDER GROUND" ang meaning para kay Mark. :D (ang UG po eh UPPER GROUND) tas ayun, nagdrawing na kami, then ang tagal kong drinowing yun pero sila Mark, Rikki at Aaron eh nanood lang ng mga dancing contest na Kpop ang sounds... :( di ko nakit yung mga performers!

And then, nung matapos na ang drawing eh pumunta kami sa Maid Cafe, pero wala nang maid... hehe so nag Mcdo ulit kami for dinner... at ayun nagpasya na kaming umuwi kasi we are so tired na... :))

Nag MRT ulit kami at sumabay ako kay Mark papuntang C5.

To make the long story short, ANG SAYA SAYA NG ARAW NA TO!
Buti nalang at may mga kaibigan ako... real ones... :)) at may mahigit 30 pa jan na real friends ko din :))
Ayun, pagod na ako... sobra...
sayang at di sumama si Jerome.
Next YEAR ULIT!!! Mag Cocosplay na ako promise. :D

Comments

Popular posts from this blog

Huling Patutunguhan Shooting

Monday ng gabi, November 28, 2011... Excited kong hinanda yung mga props namin... Mula doon sa dugo, mga blade, kuryente, greenscreen, pagkain, at kung anu-ano pang kailangan namin para doon sa shooting. Excited ako kasi first time na may kaklase akong pupunta sa bayan namin sa Pulilan! (Take note, sobrang hirap pakiusapan ng mga tita ko na ipahiram sa akin yung susi ng bahay kaya maituturing na mission accomplished to!)

La Union Escapade

Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING! Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

When the Chinese invaded my Homeland

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon... Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.