Skip to main content

Convergys - My First Job Experience



April 13. Isang magandang araw. Ni hindi ko inasahan na mangyayari ito. Ang matanggap ako sa trabaho! Biglaan ang lahat, kasi, pagpunta ko sa office nila sa Eastwood, isang araw lang ang processing at ayun! TANGGAP NA AKO! Di ko talaga inaasahan na matatanggap ako dito sa Convergys. Kasi, parang naglalaro lang ako sa Jobstreet. Pasa ng resume dito, pasa ng resume doon. Pero hindi ko talaga inaasahan na matatanggap ako sa kumpanyang ito - bilang isang customer service representative. Nagdalawang isip pa nga ako kung pipirma ako ng kontrata o huwag na, kaya bumalik ako kinabukasan at doon, pinirmahan ko na yung kontrata.



DAY 01


Ang umpisa ng trabaho ko ay April 16, 2012, at aminado ako na sobrang nakakakaba at nakakaexcite yung nararamdaman ko. So eto na, first day of work. LATE AKO. Late ako ng isang oras sa work dahil pahirapan ang pagkuha ng NBI Clearance. Inabot ako ng 6 hours sa pila at hindi ko pa natapos iyon ha. So ang 4:00 PM na pasok ko sa Insular Life Building sa Makati ay naging 5:00 PM. Nakakahiya sa trainer ko dahil first time, late ako. Pero let's face it. Ganito talaga ang buhay.


Unang sulyap ko sa office ko, syempre, kinabahan ako. Medyo hindi pa pamilyar yung mukha nung iba, pwera doon sa mga taga Davao na kasabayan ko sa interview. Ang ginawa lang namin maghapon ay fill-up-an ang mga forms ng BDO at kung anu-ano pang insurance na kailangan ng company. Syempre medyo nahihiya pa ako noon at buti na lamang, nagpasya yung trainer namin na gumawa ng isang mini activity - at laking tuwa ko ng malaman ko na drawing ang gagawin naming activity, dahil syempre, advantage ko. So iyun, maayos naman yung naging presentation namin about sa drawing na ginawa ko na nagpapakita ng isang kalsada na nagiging puno dahil ang gusto naming ipakita ang yung aming mga sarili within months of working inside Convergys.


DAY 02


Pangalawang araw ko sa Convergys at ito ang first day ng CCT. Sobrang kinakabahan na naman ako kasi, bagong mga mukha na naman ang makikita ko at ito na talaga yung mga makikita ko sa group namin. Syempre, tambay lang ako sa pantry dahil wala pa naman akong masyadong kakilala dito. Nakikisakay lang ako sa ibang mga tao na malaman-laman kong kasama ko pala sa GM account. Hinantay namin ang trainer namin, at laking akala ko ay babae sya. Yun pala, lalaki sya. Ang pangalan ni trainer? Quinn Ang.


Pagpasok namin sa loob ng classroom, binilang ko ang number namin. 14 kami, parang mga housemates lang ni Big Brother, at may nadagdag na 2 pa sa group namin ng humabol sila kinagabihan.


Ang saya lang ng aming second day dahil unti-unting nadedevelop yung mga friendly relationship sa loob ng office, at mas tumitindi pa yung bond namin pag uwian na, dahil sabay sabay kami sa loob ng bus.


DAY 03


Third day, at ako ay nalate ng 30 minutes. Grabeng byahe kasi yan from Eastwood, sobrang traffic. Buti nalang at mabait si Quinn, kaya isang instance lang ang naibigay nya sa akin. So iyon, ang mga usapan namin sa office ay mas nagiging open. At least nagseshare na kami ng mga thoughts namin, at yung mga common interests. May mga kasabay na rin akong kumain sa pantry, at syempre, hindi mawawala ang mga mini bonding namin sa loob ng office, pareho sa class hours, at maging sa break time.


Pag sapit ng uwian ay mas dumami pa yung mga kasabay naming umuwi sa bus, mula kala Brice, Mai, Yohan, Marlon, Van at Qym, nadagdag pa sa amin sila Jam, Cholo, Gem, Mike at Shella, kaya naman sobrang saya sa loob ng bus. :)


DAY 04, DAY 05 and so on...


Habang tumatagal ang mga araw ay mas nagiging matindi pa ang bonding sa loob ng office. Sana, makapasa kaming lahat sa CCT dahil kahit isa lang ang mawala sa amin, magiging kulang yung feeling dahil nakabuo na kami ng isang bond eh, kaya sana, makasurvive kami sa mga susunod pang mga challenges. GOOD LUCK SA AMIN! :)



From left to right: Qym, Gem, Jam, Van, Georgie, AC, Ako, Quinn (le trainer), Mai, Mike, Marlon, Shella, Brice, Toffer, and yung nasa baba, si Yohan


Taken at Mai's house after all of us passed CCT :)

Comments

Popular posts from this blog

Huling Patutunguhan Shooting

Monday ng gabi, November 28, 2011... Excited kong hinanda yung mga props namin... Mula doon sa dugo, mga blade, kuryente, greenscreen, pagkain, at kung anu-ano pang kailangan namin para doon sa shooting. Excited ako kasi first time na may kaklase akong pupunta sa bayan namin sa Pulilan! (Take note, sobrang hirap pakiusapan ng mga tita ko na ipahiram sa akin yung susi ng bahay kaya maituturing na mission accomplished to!)

La Union Escapade

Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING! Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

When the Chinese invaded my Homeland

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon... Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.