Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon...
Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.
Pagkagaling ko sa school, binuksan ko agad ang TV at kumain ng merienda. May isang flash report tungkol sa isang aktibidad na ginagawa ng China sa West Philippine Sea. Ilang dambuhalang mga barkong pandigma ang naglalayag at patungo sa isla ng Pag-asa. Nag-alala ang gobyerno ng Pilipinas kung ano ba ang gagawin ng mga sundalong Chinese sa islang ito. Binabantayan ng media ang mga susunod na mangyayari. Walang commercial breaks, at sa aking palagay ay nakatutok ang lahat ng tao sa telebisyon sa mga oras na ito dahil ni isa ay walang bumibili sa tindahan namin. Binasa ko ang cellphone ko, at puro balitang tungkol sa Spratly and nababasa ko. Chineck ko din sa Facebook at Twitter ang mga nagtetrend na balita, at puro nalang tungkol sa Spratly ang pinapakita.
Mag-aalas siete na ng gabi, ngunit patuloy pa rin ang mga balita ukol sa ginagawa ng China. Natabunan bigla ang ibang mga balita mula sa bangayan ng ehekutibo at hudikatura hanggang sa mga hiwalayan sa showbiz. Lahat ay nakatutok sa Spratly na animo'y kinakabahan. Ilang oras ang lumipas, wala nang ibang pinapakita sa TV kundi ang tungkol sa Spratly. Wala nang mga teleserye. Wala din ang iba pang palabas sa ibang local station. Lahat ay ang tungkol sa Spratly ang pinapakita.
Dumaong ang barkong pandigma ng China sa Pag-asa, at ito ay kinukumpirma sa balita ng ilang sundalong nakaantabay sa isla. Ikinukwento ng isang sundalo ang lahat ng kanyang nakikita. Nag-uusap daw ang mayor ng Pag-asa at isang mataas na opisyal ng naval fleet na ipinadala ng China. Nagkakainitan daw sila. Ang boses daw ng parehong panig ay tumataas. Kahig Chinese ang wika ng isa at Tagalog naman ang isa pa, halata daw na nagkakainitan sila. Ilang sandali pa ay nabigla ako sa sinabi ng sundalong ito --- BINARIL NG MATAAS NG OPISYAL ANG MAYOR NG PAG-ASA! Alam ko nang isang malaking gulo ang kahihinatnan nito. Isang gulong babago sa takbo ng buhay ng bawat Pilipino. Ang sumunod na narinig mula sa live interview sa sundalong ito ay sigawan, iyakan, at tunog ng mga putok ng baril.
Kinondena ng United Nations ang nasabing paglusob ng China sa Pag-asa, ilang sandali matapos pagbabarilin ng mga Chinese ang mga tao dito. Sa ibang balita naman ay nangangamba ang ilang mga Pilipino na maaaring sumiklab na ang isang digmaan. Pinatay ko na ang TV. Kabado ang lahat, at tahimik ang paligid. Ni hindi ako makatulog ng mga oras na iyon dahil sa insidenteng nangyari sa Pag-asa. Dasal lamang ang maibabahagi ko upang ang kaguluhang ito ay matigil na.
Kinaumagahan, mga alas sais y media, ay ginising ako ng isang malakas na sigaw mula sa labas ng aming bahay. Narito ang AFP sa aming lugar, at nagsasabing mayroong forced conscription na nagaganap sa buong bansa. Lahat ng lalaki na may edad 18 hanggang 65 ay iniimbitahang sumama sa lahat ng kampo sa buong Pilipinas. Hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala na ito ay realidad. Nais kong magising sa isang bangungot ng mga oras na iyon. Parang bigla akong natulala at nasindak. Wala na akong magagawa. Hindi ko ito pwedeng takasan. Mamatay man o mabuhay, kailangan kong ipagtanggol ang bansang aking sinilangan. Ang nag-iisang bansang aking minahal.
Kumatok ang isang sundalo sa aming tahanan at inalok na ako'y mag-impake na at sumama sa kanila. Hindi ako makakatanggi, sapagkat ako'y bibitbitin din nila, pwera nalang kung akong may malubhang karamdaman o kapansanan. Tinanong ko ang sundalong sumundo sa akin, "Gaano na ba katindi ang krisis sa West Philippine Sea?" Tinitigan lamang ako ng sundalong ito, at isang malumanay na matindi ang isinagot nya sa akin. Mahirap man sa loob na mawalay sa aking pamilya ay tinanggap ko ang katotohanan na ito na talaga ang nangyayari sa realidad. Hindi namin matanggap na dahil lamang sa isang sakim na bansang nais sakupin ang lahat ay magkakawatak-watak ang bawat tahanan. Aalis ang mga binatang may matatayog na pangarap sapagkat ang inaakala nilang hinaharap na puro touch screen, flying cars at biotechnology ay mapapalitan pala ng isang malagim na digmaan. Ilang minuto din bago ako nagpaalam sa aking mga mahal sa buhay. Puro sila nag-iiyakan, hindi matanggap na ganito pala ang mararanasan ng bawat Pilipino ng mga oras na iyon.
Sumakay na ako sa truck ng mga sundalo, at kami ay tutungo sa Camp Aguinaldo. Pinagbawalan din kaming magdala ng mga gadgets bukod sa isang cellphone. Bawat lalaking nakikita ko ay halatang balisa, at nalulungkot dahil nga sa sila ay nawalay sa kanilang pamilya. Ako naman, ang nasa isip ko, papasok dapat ako ngayong araw sa aking eskwelahan, ngunit parang hindi ko na ito magagawang muli, sapagkat ang kampo na ng militar ang aking papasukan.
Dumating kami sa Camp Aguinaldo ng alas otso y media. Madaming kalalakihan din ang dumating na, at ako'y nagbabakasakali na makakita ng isang kaibigan o isa man lang kakilala. Pinatayo kami sa gitna ng damuhan, sa harap ng mataas na flagpole, at doon ay may mga nakatayo din na mga screen, at ilang sandali pa ay pinalabas ang isang live coverage ng punong heneral na nagsasalita sa isang press conference. Narito ang kanyang mga sinabi na dumurog sa aking damdamin:
"Mga minamahal kong kababayan, tayo ngayon ay nasa gitna ng isang digmaan, digmaang sinimulan dahil sa ganid sa mga likas yaman. Narito ako ngayon upang sabihin sa lahat na gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang malabanan ang kalabang naghahasik ng lagim sa ating bayan..."
Matapos niyang sabihin ang mga bagay na ito ay biglang nagsara ang aking mga tenga. Wala akong narinig kundi katahimikan. Katahimikang nakakabingi. Ang isip ko'y natuon sa mga bagay na normal ko nang ginagawa. Mga bagay na nais kong gawin, malayang gawin --- ngunit ito'y biglang nawala sa aking isip at natuon ulit ako sa realidad, na may digmaang nagaganap at kailangan kong ipagtanggol ang aking bayan.
Puro introduction lang ang nangyari ng umagang iyon, at nang dumating na ang makapananghali ay pinakain muna kami sa kanilang malaking cafeteria. Inilabas ko ang huling baon na ginawa ng aking ina. Corned beef na natira pa sa estante ng kusina. Kinain ko ito ng dahan dahan habang ang aking mga mata ay nakatutok sa telebisyon. Ganoon pa din ang mga balita --- puro tungkol pa rin sa Spratly. Nasakop na ng China ang Pag-asa island kagabi, at kaninang umaga ay dumaong na ang Chinese fleet sa Palawan. Sa mga oras na ito ay nagpadala na ang AFP ng ilang mga sundalo na lalaban sa mga Chinese sa Palawan. Dasal ang kalakip ng bawat sundalong tumutungo dito upang sila'y huwag mapahamak.
Habang ako ay kumakain ay may kumalabit sa akin. Natuwa ako, sapagkat nakakita din ako ng kaibigan sa loob ng kampo. Napag-usapan namin ang nangyari sa kanilang bahay, at tulad din ng nangyari sa akin, puro daw iyakan ang nangyari. Nagpatuloy kami sa panonood ng mga balita sa telebisyon, at ipinakita dito ang iba pang nakakapangilabot na balita:
"-Sinakop din ng China ang Paracel Island mula sa Vietnam, at ang mga Chinese ay umuusad patungong Hanoi at Ho Chi Minh, at balak nilang pabagsakin ang mga main city ng Vietnam, ngunit duda ng marami, lihim na kakampi talaga ng China ang Vietnam.
-Naghahanda na din sa digmaan ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Brunei at Thailand. Nangako ang mga bansang ito na tutulungan ang kapatid nilang Pilipinas at magpapadala ng mga combatant dakong ala una y media. Maraming Pilipino ang umaasa dito at ito ay bilang paghahanda na din ng mga nasabing bansa dahil ang China ay isang malaki ding threat sa kanilang national security
-Ang mga bansang Laos at Cambodia naman ay umalyansa na sa China sa takot na sila ay lusubin sa madugong paraan. Ang Myanmar ay kusang loob na umalyansa sa China dahil sila'y magkakampi at ang East Timor naman ay nananatiling neutral, ngaunit nangako ang Pangulo ng bansang ito na ang tanging maibabahagi nila sa isang bansang Kristiyano kagaya ng Pilipinas ay dasal."
Nakakatuwang isipin na sa panahon pa pala ng digmaan magkakaisa ang buong Pilipinas, dahil base sa mga nakita ko sa telebisyon, talagang ang lahing Pilipino ay hinding-hindi na susuko sa kahit sinong lumaban sa kanila. Ngunit, itong pangyayaring ito ay seryoso pa din. Maaaring maging wakas na ito ng aking bansa, at ayokong ito ay mangyari.

Comments
Post a Comment