Skip to main content

Huling Patutunguhan Shooting




Monday ng gabi, November 28, 2011... Excited kong hinanda yung mga props namin... Mula doon sa dugo, mga blade, kuryente, greenscreen, pagkain, at kung anu-ano pang kailangan namin para doon sa shooting. Excited ako kasi first time na may kaklase akong pupunta sa bayan namin sa Pulilan! (Take note, sobrang hirap pakiusapan ng mga tita ko na ipahiram sa akin yung susi ng bahay kaya maituturing na mission accomplished to!)



So eto na nga... dumating na ang pinakahihintay kong araw. NOVEMBER 29 NA!!! Sobrang excited ko today kaya naligo agad ako at para akong si The Flash sa sobrang bilis ko. Pagdating ko sa school, nasa labas ng chapel yung mga classmates ko and then, nagstay muna ako doon hanggang sa matapos yung misa. Tapos diretso kami sa gym para umaten doon sa opening ceremony ng Foundation Week. Busyng-busy ako sa pagpapapirma nung point card ko kaya naman nagmadali akong libutin yung mga booth para magpapirma lang, sayang din naman kasi yung points eh ;) Tapos, nakita ko itong booth ng SanDisk. Nakita ko yung 8GB na USB eh binebenta lang nila ng 315! Kaya naman, kuha agad ako ng pera tapos binili ko agad, sayang naman kasi kung papalagpasin ko yung opportunity. Minsan lang magkaroon ng ganoong USB eh, mura tapos ang taas ng storage capacity. Tapos eto na ang pinakahihintay ko, 12 na ng tanghali, at nagdecide na kami na umalis papuntang SM para doon imeet yung iba pa naming groupmates.




At iyon, pagkatapos ng ilang oras na paghahantay sa Jollibee ay kumpleto na kami, at nagpunta na kami sa Pulilan para umpisahan ang shooting ng project namin. Ordinary bus ang sinakyan namin, at isang oras din ang byahe patungong Pulilan. Pagbaba namin sa bus, ay nagtake out muna kami ng mga pagkain sa Jollibee (nanaman?! :D ) dahil Survivor mode sa Pulilan. Tapos, nagshopping kami sa Robinsons para sa grocery na good for 2 days.




Eto na! Start na ng shooting. Nag umpisa na kaming maghanda. Kala ko madali, pero ang hirap din pala. At dahil Final Destination ang theme ng film namin, at ako ang direktor, ako ang unang mamamatay sa kwento - maiipit sa makina ang damit ko at dahil sa panic, hahatakin ko ang sarili ko dahilan upang masaksak ako ng matatalim na motif ng stand lamp.




Enjoy yung unang araw ng shooting namin. Nandyan yung masasagasaan si Jovy ng truck, makukuryente si Charlz, masusunog sa sauna si Erik, malulunod sa pool si April, at matatamaan ng flying debris sa ulo si John Rey. Syempre dahil pagod na, tinour ko dun yung mga kaklase ko sa bayan namin. Lakad kami sa aking paboritong ruta - sa kanto, paliko sa ilog, at patungong plaza sa bayan.




Syempre, picture picture din kami, remembrance daw eh.


Stop over sa 7-Eleven sa bayan

Sa may simbahan sa bayan



Tapos, bumalik na ulit kami sa bahay. Pagod na pagod na kami, kaya naman ang mga cook ay nagluto na ng masarap na adobo. Yum yum! At syempre, pagkatapos ng lahat, nagsipaliguan na yung iba. Pero sinong magsasabi na makakatulog kami noong gabing yun?!



Nga pala, madaming engkanto sa bahay namin. At isa na doon si Agapito - yung dwendeng itim, na ayon sa mga legend ay maliit at mapaglaro. Di ko inaasahan na sa pagdadala ng mga bisita sa bahay namin ay magpapakita kay April si Agapito. Ako yata may kasalanan nun, kasi, sabi ko, magkwentuhan kami ng nakakatakot. Ayun, nasummon tuloy si Agapito.




Umiiyak si April, at dinescribe nya ang itsura ng nakita nya. Syempre, nagtataka kami, kaya pinicturan ko din yung bintana - at pagkatapos - NANDUN NGA SI AGAPITO! NAGPAKITA SA PICTURE!!!




Kinilabutan kaming lahat at ayaw na naming matulog. Nakakatakot eh. Fast forward - puyat kaming lahat. O baka, ako lang yata. Haha




Second day na ng shooting, at tinapos na namin ang lahat ng dapat tapusin. Shooting dito, shooting doon, at ang may event ng Day 2 - swimming!!!






Stacey as "Kamatayan"



Pumunta na kami sa resort para magswimming - ang main event ng trip na ito. Ayun, uber enjoy ang pagsuswimming at ang saya lang. At syempre, pagkatapos, uwian na... awww... :(


 Swimming time

 Waiting for the bus


Comments

Popular posts from this blog

La Union Escapade

Nakakatamad bumangon pero kailangan. Sabado, April 21, 2012. Ito ang araw na pupunta kami sa La Union! EXCITING! Pagbaba ko sa sala ay nakahanda na ang mga dadalhin namin sa outing. Kasama ang kapatid kong si PM at ang pamangkin naming si Kaeden. 6 AM kami umalis sa bahay at pumunta sa kaibigan ni Ate. Sinundo namin si kuya Luigi sa bahay nya at siya na ang nagdrive papunta sa NLEX Petron. Mula doon ay hinantay namin ang isa pang kaibigan ni Ate, si ate Lyzza at inumpisahan na naming lumakad bilang isang convoy. Pero bago iyon ay nag breakfast muna kami at ang kinain ko ay isang plato ng masarap na Jollibee spaghetti.

When the Chinese invaded my Homeland

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayaring ito... At ang mga masasaklap na ala-ala ay patuloy akong hinahaunt hanggang sa ngayon... Ilang buwan din ang nakalipas matapos magbabala ang China na magpapadala sila ng napakaraming maritime troops sa West Philippine Sea. Miyerkules noon, at busyng-busy ako sa paglalaptop upang icheck ang mga email ko sa Yahoo at ang mga notification ko sa Facebook. December ang buwan na iyon, ilang araw bago mag Pasko. Medyo busy na ang maraming Pilipino sa pamimili sa Divisoria at sa mga malls, at sobrang traffic na din dahil dito. Mainit na usapin pa rin ang tungkol sa gustuhin ng gobyerno na ipakulong ang lahat ng nagsakala sa nakaraang administrasyon. Para bang wala silang pakialam sa iba pang issue na dawit ang bansang Pilipinas.